Hahataw ngayong umaga hanggang bukas ang unang Philippine Women’s Football Festival na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng Women In Sports at Sports for all program na para sa kabataang kababaihan na mahilig sa football.

Sinabi ni PSC Games Secretariat Atty. Maria Fe “Jay” Alano na iniimbitahan ang lahat ng mga koponan na sumali sa isasagawang Football Festival na para sa mga kababaihan na nasa kategoryang Under 14 at 16.

“This is a first for football community. We hope to follow this up next year for the development of our young women football players and the sports,” pahayag ni Alano.

Ang Football Festival na isasagawa sa Rizal Memorial Coliseum, sa kooperasyon na rin ng Philippine Football Federation (PFF), ay humakot ng mahigit sa 50 koponan.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Ito naman ang unang torneo na gaganapin para sa mga kabataang babaeng atleta na mahilig sa football sa asam na rin na maingat ang kalidad at mapalawak ang popularidad ng sports.