Ni ELLALYN B. DE VERA

Umabot sa P62 milyong halaga ng relief good ang sinimulang ipinamahagi sa mga biktima ng bagyong “Ruby” mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba’t ibang lokal na pamahalaan sa mga naapektuhang rehiyon sa Visayas at Luzon.

Lulan ng mga military truck, ipinamahagi sa mga sako ng bigas at food pack sa mga biktima ng bagyo sa Borongan, Eastern Samar, kabilang 189 sako ng bigas para sa 1,575 pamilya sa limang barangay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Borongan ang una sa limang isla sa Visayas na hinagupit ng bagyong “Ruby.”

Para sa buong Eastern Samar, namahagi ang DSWD ng 6,150 skao ng bigas at 9,900 family food pack para sa mga bayan ng Balingiga, Borongan, Canavid, Dolores, Giporlos, Guiuan, Hernani, Jipapad, Lawaan, Mercedes, Oras, Salcedo, San Policarpio at Sulat.

Sa P62 milyong halaga ng relief assistance, P55 milyon ay mula sa DSWD at P6 milyon ang galing sa mga local government unit.

Base sa talaan ng DSWD, umabot sa 463,449 pamilya o 2,065,224 katao ang naapektuhan ng bagyong “Ruby” na binibigyan ng tulong ng pamahalaan ngayon sa 5,193 evacuation center.