Isa pang bagong low pressure area (LPA) sa Silangang Mindanao ang binabantayan ngayon dahil sa posibilidad na maging bagyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huli itong namataan sa layong 2,000 kilometro sa Silangan bahagi ng Pilipinas.

Papangalanan itong ‘Seniang’ kung tuluyang maging bagyo at ito na ang pang-19 na sama ng panahon sa taong ito.

Sinabi pa ng PAGASA na aabot sa 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon at inaasahang isa pang bagyo ang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) pagkatapos ni ‘Seniang’.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaugnay nito, inaasahang lalabas na ng bansa bukas (Huwebes) ang bagyong ‘Ruby’ matapos itong humagupit sa Visayas region kamakailan.