DAHIL sa bagyong Ruby ay walang pasok sa eskuwela at opisina at marami ring nakanselang showbiz affairs.

Nakatutok sa telebisyon ang karamihan para alamin ang sitwasyon sa mga lugar na binabayo ng bagyo. Maging sa social media ay hot topic si ‘Ruby’.

Napanood namin ang live 24-hour weather coverage ng CNN Philippines sa pamamagitan ng RPN 9 simula pa noong Sabado. Gandang-ganda kami sa presentasyon nila na kahit sa totoo lang ay may mga pagkakataon na medyo kinakapos at nauubusan ng sasasabihin ang isa sa kanilang pambatong reporters na si David Santos.

Pero mas naramdaman namin ang makatotohanang paghahatid nila ng balita kumpara sa ilang kilalang reporters ng isang TV station.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Napaka-cheap naman ang ginagawa ng ilan sa reporters natin. May kanya-kanya silang kadramahan, pero sa totoo lang, eh, lalong nabubuwisit sa kanila ang mga kababayan natin,” sey ng isang kaibigang aktres na panay din ang monitor sa bagyo.

Obserbasyon ng aktres, nagpapatalbugan ang magkakalabang reporters lalo na sa paraan kung paano lulusong sa baha o mag-uulat nang live habang malakas ang hangin at ulan.

“Masyado silang over-acting. P’wede namang nakasilong lang sila habang nagrereport o kinukunan ang rumagasang baha. Hindi ‘yung pati sila, eh, nagpapatianod sa malakas na agos at nagpapabasa sa ulan,” sey pa niya.

Usap-usapan din sa umpukan ng aming mga katoto na masyadong emotional ang reporters at parang ngayon lang nakakapag-cover ng bagyo. Kaya sana raw sa susunod na Star Awards for TV ay magkaroon na rin ng kategoryang ‘Best Actor In the Field of Reporting’, huh!

Kabaligtaran kasi sila ng mga mga reporter ng CNN na nakatutok sa bagyo, walang ganoong drama, huh!

Samantala, komento ang aming katotong si MercyLejarde, si Ruby raw ay kagaya rin ni Yolanda na mga miyembro ng LGBT.

“Hay naku, nang ikasal si Percy Intalan kay Jun Lana, eh, rumagasa nang husto si Yolanda. Ngayon namang sina Aiza (Seguerra) at Liza Diño ang ikakasal ay dumating naman si Ruby, hindi kaya tomboy ang mga bagyong ‘yan?” napatawang sabi pa.