Mga laro ngayon (Cuneta Astrodome):

2pm -- Purefoods Star vs. Barako Bull

4:15pm -- Blackwater vs. San Miguel Beer

7pm -- Globalport vs. Meralco

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Makamit ang ikalawa at huling outright semifinals berth ang tatangkain ng San Miguel Beer sa kanilang pakikipagtuos sa eliminated nang Blackwater sa nakatakda ngayong triple-header para sa pagtatapos ng elimination round ng 2014-2015 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome.

Makakasagupa ng Beermen ang Elite sa ikalawang laro ganap na alas-4:15 ng hapon matapos ang unang laban ng defending champion Purefoods Star at Barako Bull sa ika-2 ng hapon habang magtatapat naman sa tampok na laro ganap na ika-7 ng gabi ang Globalport at Meralco.

ipinagpalibang laro na dapat sana’t idinaos noong nakaraang Sabado sa Dipolog City na napagdesisyunang kanselahin dahil sa Bagyong Ruby na maaari ring isaalang-alang ngayong araw na ito kung ipagpapatuloy ang nabanggit na triple-header.

Habang isinasara ang pahinang ito, inaasahang makakaranas din ng hagupit ng bagyo ang Metro Manila sa muling pagtama nito sa lupa sa gawi ng Calapan City sa Mindoro ngayong umaga.

Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto taglay ang barahang 8-2, panalo-talo, sa likod ng nangunguna at nauna nang semifinalist na Rain or Shine, tatargetin ng Beermen ang ika-siyam na tagumpay laban sa Elite na maghahangad namang makatikim ng panalo sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa unang conference nila sa liga matapos mabigo sa unang sampu nilang laro.

Sa dalawa pang laro, hangad ng Purefoods Star, Meralco at Globalport na makapantay sa Barangay Ginebra sa ika-apat na posisyon para sa pagkakataong magkaroon ng twice-to-beat advantage papasok ng quarterfinal round.

Magkakasalo sa ika-anim na puwesto ang Btang Pier, Bolts at Star Hotshots hawak ang patas na barahang 5-5, isang panalo ang pagkakaiwan sa Kings.

Kasunod ng unang dalawang outright semifinalists, ang susunod na tatlong teams matapos ang eliminations ay mayroong twice-to-beat incentive kontra sa nasa ilalim na tatlong koponang uusad sa quarterfinals.

Makakatapat ng Hotshots ang Energy Cola na hangad na maitala ng ikatlong sunod na panalo upang makabuwelo papasok ng playoffs habang mag-uunahang maka-anim na panalo sa tampok na laban ang Batang Pier at ang Boilts na kapwa naman nakabalik sa winning track matapos na magwagi sa kanilang mga nakaraang laro, ang Bolts laban sa Kia Sorento, 99-93 noong Disyembre 3 at ang Batang Pier laban sa Barangay Ginebra, 98-77 noong Nobyembre 30.