Ni ELLSON A. QUISMORIO

Bilang isang lugar na marami ang nangingibang bansa upang makipagsapalaran at makahanap ng disenteng trabaho, hindi malayo na mapupukaw ang puso ni Pope Francis sa kanyang pagbisita sa Pilipinas sa Enero 2015.

Ito ay matapos bigyang diin ni Fr. Luciano Felloni, 41, isang Argentinian na kasabayan ni Pope Francis subalit nananatili sa Pilipinas ng halos dalawang dekada, na ang ama ng Santo Papa ay naitawid ang kanyang pamilya sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtrabaho sa ibang bansa.

Dahil dito, naniniwala si Felloni na makaka-relate ang Santo Papa sa mga Pinoy, lalo na ang mga nasalantan ng super typhoon “Yolanda” sa Eastern Visayas noong Nobyembre 2013.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“May mga traits na. I think he will identify very much with Filipinos,” ayon sa parish priest ng Our Lady of Lourdes sa Camarin, Caloocan City.

Ang mahabang panahon na kanyang pananatili sa Pilipinas ang naghasa kay Fr. Felloni sa pagbigkas hindi lamang ng Tagalog ngunit maging Ilokano.

“Yung isa is, anak ng immigrants siya. Maraming mga Filipino na OFW. Tatay niya ay naging OFW in Argentina,” paliwanag ni Felloni. Aminado rin ang Argentinian na pari na maging ang kanyang lolo’t lola ay mga migrant worker din.

“Yung mga ninuno namin na mga Argentinian ang karamihan ay mgaOFW na dala ng kahirapan ay tumakas ng sariling bansa para maghanap ng kapalaran.”

Aniya, batid ni Pope Francis ang estado ng mga Pinoy migrant worker sa iba’t ibang panig ng mundo at tiyak na ang mga ito ay malapit sa kanyang puso.