Mas mabuti nang palaging handa kaysa “pulutin sa kangkungan”.

Ito ang naging tagubilin ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila bunsod ng banta ng pagbaha sa lugar sa pananalasa bagyong “Ruby”.

Sa isang pagpupulong na pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, iniulat ng mga disaster response official na nagpapatuloy ang paglikas ng mga pamilya na naninirahan sa mga lugar na ideneklarang danger zone.

Iniulat ng isang weather specialist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa MMDRRMC na inaasahang magdadala ng maraming ulan at malakas na hangin ang bagyong “Ruby” sa pagtama nito sa Metro Manila kagabi.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dahil dito, nagpalabas ng orange rainfall warning ang PAGASA sa Metro Manila at kalapit lalawigan nito.

Base sa color-coded rainfall advisory ng ahensiya, inaasahang 15-30 millimeters (intense) ang dami ng ulan ang inaasahang bubuhos sa Metro Manila sa loob ng isang oras at ito ay magpapatuloy ng dalawang oras.

Bukod sa Metro Manila, inilagay rin sa orange alert ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon province dahil sa banta ng malawakang pagbaha.

“Dapat natuto na ang mga residente sa kanilang karanasan sa mga nakaraang bagyo. Mas mabuti pa na sila ay sumunod sa kautusan ng kanilang mga lokal na lider,” paalala ni Tolentino.