Tiniyak ng Overseas Filipino Workers Welfare Administration (OWWA) na mabibiyayaan ng tulong ang mga maglalayag na Pinoy na kabilang sa nasawi nang lumubog ang isang Korean fishing vessel nitong nakaraang linggo.

Kinumpirma ni OWWA officer-in-charge Josefino Torres na tatlong Pinoy na nasawi sa trahedya ay miyembro ng kanilang ahensiya kaya’t makatatanggap ang bawat isa sa kanila ng P220,000 death at burial benefit at P15,000 bilang tulong pangkabuhayan.

“Educational assistance is also part of the social benefits package depending on the status of the deceased member-OFWs,” paliwanag ni Torres.

Tinyak din ni Torres na minamadali na ng OWWA ang pagpoproseso sa pagbabalik ng labi ng mga nasawing Pinoy sa bansa.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ang labi ng mga nasawing tripulante ay narekober ng international rescue team matapos lumubog ang kanilang sinasakyang Korean shipping vessel Oriong-501 sa Bering Sea, malapit sa Russia, noong Lunes.

Tanging si Jessi Alovera Londres ang nakilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa hanay ng mga namatay na Pinoy seafarer.

Tatlo pang Pinoy crew ng Oriong-501 ang nailigtas sa karagatan ng mga rumespondeng rescue team. (Samuel P. Medenilla)