Upang makaiwas sa posibleng mga aberya at sakuna at mga problema na maaaring idulot ng pagtama ng Bagyong Ruby kahapon sa Metro Mnaila, nagdesisyon ang tanggapan ni PBA Commissioner Chito Salud na ipagpaliban na ang nakatakdnag mga laro kahapon sa 2015 PBA D-League Aspirants Cup na dapat ay gaganapin sa Ynares Sports Arena.
Kabilang sa mga nakanselang mga laro ang laban ng Bread Story-Lyceum at ng Cebuana Lhuillier , ang tapatang Café France at league leader Hapee at ang co-leader nilang Cagayan Valley kontra baguhang Racal Motors.
Wala pang anunsiyo kung anong petsa at saan gaganapin ang mga nakanselang laro.
Ayon kay Salud, isinasaalang-alang nila ang kaligtasan lahat ng mga manlalaro at maging mga PBA personnels na may kaugnayan sa nasabing laro kung kaya nagpsiya silang iaknsela na lamang ito.
Target kapwa ng Hapee at Cagayan Valley ang kanilang ikaanim na sunod na panalo na magpapatatag ng kapit nila sa liderato.
Para naman sa Cebuana, target nito na makapagtala ng kanilang unang back-to-back wins na magpapatatag ng kanilang kapit sa ikaapat na posisyon habang magsisikap naman ang Bread Story na makaahon mula sa kinalalagyan ilalim ng team standings kasalo ng MP Hotel hawak ang nag-iisang panalo kontra limang talo sa unang anim na laro.
Matinding hamon naman para sa Café France (4-1) ang sumalang kontra sa powerhouse Hapee para mapatatag ang kanilang pagkakaupo sa ikalawang puwesto.