Mark Wahlberg

BOSTON (AP) – Nais nang matuldukan ni Mark Wahlberg ang gusot na namamagitan sa kanila ng isang teenager noong 1988.

Humingi ng kapatawaran si Wahlberg sa Massachusettes tungkol sa gulong kanyang kinasangkutan matapos makipag-away sa isang teenager sa Boston, sinabi nito na nangako siya sa kanyang sarili na magiging mas mabuting tao upang maging magandang halimbawa sa kanyang mga anak at sa ibang tao.

Naghain ng pardon application ang dating rapper na kilala bilang Marky Mark at sa mga pelikula partikular na sa The Departed at The Gambler na mapapanood sa Disyembre 19. Unang ipinaalam ng New England Cable News ang nasabing aplikasyon noong Huwebes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Taong 1988, noong si Wahlberg ay 16 taong gulang, pinalo niya ang isang lalaki sa ulo gamit ang isang kahoy habang tinangkang agawin ang dalawang kaha ng alak sa harapan ng isang tindahan malapit sa tahanan ng kanyang pamilya sa Dorchester sa Boston, ayon sa aplikasyon. Sinuntok din niya sa mukha ang isa pang lalaki upang pigilang magsumbong sa pulis, base sa nakasaad sa dokumento.

Napag-alaman na si Wahlberg wala sa sarili sapagkat ito ay humithit ng marijuana at narcotics. Humingi siya ng patawad sa kanyang nagawa.

Siya ay kinasuhan at kinulong sa loob ng tatlong buwan.

Ayon kay Wahlberg, 43, binago niya ang kanyang sarili at naging matagumpay na music artist, aktor at film and television producer. Sinabi rin niya na nagbigay siya ng tulong sa sa mga ampunan at nangangailangan.

``I have not engaged in philanthropic efforts in order to make people forget about my past,’’ pagsasalaysay ni Wahlberg.

``To the contrary, I want people to remember my past so that I can serve as an example of how lives can be turned around and how people can be redeemed.’’

``Rather than ignore or deny my troubled past, I have used the public spotlight to speak openly about the mistakes I made as a teenager so that others do not make those same mistakes,’’dagdag pa niya.

Upang mabigyan ng kapatawaran, pag-aaralan ng Massachusetts Parole Board ang kaso ni Wahlberg, at magbibigay ng rekomendasyon sa gobernador, na siyang mayroong kapangyarihan magdesisyon sa pagpapataw ng kapatawaran.