MAR Roxas

Ni GENALYN D. KABILING

Lubayan n’yo na siya.

Ito ang naging apela ng Malacañang sa mga kritiko ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas matapos itong sumemplang sa motorsiklo habang pinangungunahan ang relief mission sa Dolores, Eastern Samar kamakalawa ng hapon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Imbes na okrayin, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na dapat na ikagalak ng mamamayan na hindi nasaktan si Roxas sa insidente.

Imbes na putaktihin ang pagsemplang ni Roxas sa motorsiklo, iginiit ni Valte na dapat pagtuunan na lamang ng media ang isinasagawang relief operations sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Ruby.

“Sana huwag na po nating bigyan ng kulay. Kawawa na nga ho ‘yung tao nandun na at sumemplang na nga ho at pasalamat po tayo --- pasalamat po kami, at least, hindi ho nasaktan si Secretary Mar,” apela ni Valte.

Umani ng sari-saring reaksiyon ang pagsemplang ng kalihim sa mga social networking site, kabilang ang ilan netizen na binansagan ang opisyal bilang “Boy Semplang.”

“Nakikiusap naman po tayo na mag-focus na lang po tayo doon sa trabahong kailangan hong gawin ‘nung ating mga ground team at ‘yung mga kasamahan po natin dito sa Manila,” dagdag ni Valte.

Mayroon ding mga netizen na inokray si Roxas dahil sa hindi nito pagsuot ng helmet habang nagmomotorsiklo.

“Hindi kasi siya makikilala at hindi makaka-epal kung may suot ng helmet,” ayon sa isang netizen.

Nagkalat sa social networking site ang larawan ni Roxas na naiipit sa nakatagilid na Honda XRM matapos sumemplang.

“The trip from Borongan to Dolores is 65 kilometers. Matagal ho nilang nakuha ‘yung marating dahil nga marami nga hong kinilear (clear). And sometimes the mode of transportation is the only way to be able to move forward,” paliwanag ni Valte.