Maniwala kayo o hindi, kakaunti ang nasirang imprasktraktura ng bagyong “Ruby” sa Eastern Visayas at wala ring trahedya naganap sa karagatan sa kasagsagan ng kalamidad.

Hindi tulad ng mga nakaraang kalamidad, halos lahat ng national road at highway ay hindi naapektuhan ng malakas na hangin at matinding ulan dulot ng bagyong Ruby.

"Halos walang nasira maliban sa isang landslide 15 kilometro ang layo mula Borongan (Samar) subalit ito ay na-clear na,” pahayag ni DPWH Undersecretary Romeo Momo.

Bagamat may mga nagbagsakang puno at poste ng kuryente sa ilang mga rehiyon na dinaanan ni “Ruby,” ang eksena ngayon ay malayo sa mga nakaraang kalamidad na nagdulot ng malaking pinsala sa Easter Visayas at iba pang lalawigan, partikular ang bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa ulat, mayroon din mga lona at bunkhouse na nasira ng bagyong Ruby sa Tacloban City subalit ito ay maliit na bilang lamang.

Ani Momo, malaking bagay ang paghahanda ng DPWH sa pagdating ng bagyong Ruby.

Iniulat din ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commander Armand Balilo na wala ring naganap na trahedya sa karagatan sa kasagsagan ng bagyong Ruby.