LASING na dumalo ang French actor na si Gérard Depardieu na umamin na siya ay umiinom ng “12, 13, 14 bottles” ng wine kada araw sa World War I commemoration noong Linggo sa Belgium, kung saan siya nakatira.

Nakatakdang basahin ng Cyrano de Bergerac at Green Card actor ang isang tula na isinulat ng French poet-singer na si Barbara, isang survivor ng France’s wartime Holocaust, at nag-alay ng pasasalamat sa kanyang anak, Guillaume Depardieu. Sa halip, gumawa siya ng sariling eksena na siya ay “visibly drunk to say the least,” ayon sa pahayagang La Capitale.

Ayon sa nasabing pahayagan, binasa ng 65-year-old ang kanyang linya “once, twice, sometimes three times” at tinanong ang isa sa mga manonood “what page he was reading.” Sa isang banda, humingi siya ng isang silya para ilagay sa entablado upang siya ay makaupo. Naglahad din ng komento ang aktor tungkol sa usaping pulitika sa Belgium.

Hindi na bago ang pagiging manginginom ni Depardieu. Taong 2012, inaresto siya habang nagmamaneho nang lasing kaya’t siya ay sumemplang sa motorsiklo sa Paris. Matatandaang diumano’y umihi rin siya sa isang eroplano. Inihayag din ng aktor ang plano niyang pagpapatayo ng sariling vodka company.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nitong Setyembre, naging bukas siya sa isang panayam sa So Film magazine sa usapin tungkol sa labis na pag-inom ng alak.

“I can’t drink like a normal person. I can absorb 12, 13, 14 bottles…per day,” paglalahad niya. “But I’m never totally drunk, just a little pissed. All you need is a 10-minute nap and voilà, a slurp of rosé wine and I feel as fresh as a daisy!” (Yahoo News/Celebrity)