Matt and Phoebe

ANG Dating Couple na sina Matthew Edwards at Phoebe Walker ang itinanghal na kampeon sa ikalawang Amazing Race Philippines matapos ang special one-hour finale episode nu’ng Linggo ng gabi (December 7) sa TV5.

Bukod sa titulo bilang grand winner, wagi rin sina Matthew at Phoebe ng dalawang house and lots mula sa RCD Royale Homes, dalawang Kia Sportage SUVs at dalawang milyong pisong cash prize mula sa PLDT Home Telpad.

Ang final pit stop ay naganap sa isla ng Camiguin, doon naghintay ang race master at host ng The Amazing Race Philippines na si Derek Ramsay at ang walong pre-eliminated teams bilang pag-welcome sa dating couple at pag-congratulate na rin sa pagkakapanalo ng dalawa sa karera.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“You raced hard and you raced the fastest. You are the winners of The Amazing Race Philippines season two,” wika ni Derek habang nakamasid ang iba pang pares ng racers.

Pumangalawa sa Team Dating Couple ang personal bet namin -- ang Team Mr. Pogi na sina John Paul Duray at Kelvin Engles, at nasa ikatlong puwesto naman sina Chefs Roch Hernandez at Eji Estillore ng Team Chefs.

Sabi ni Kelvin, “It’s not money, it’s not the car or the house and lot but the experience we gained in the race. Hindi namin inakalang makararating kami hanggang dulo. Maraming salamat sa suporta.”

Samantala, nang matanong tungkol sa kanilang mga plano pagkatapos ng karera, sinabi ni Phoebe mapupunta ang ilang parte ng kanyang mga napanalunan sa negosyong ipangtutustos niya sa kanyang pamilya.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Matt na balak niyang magbakasyon sa England para makasama ang kanyang ama. At dahil nanalo sila ng halos PhP 3 milyong pisong cash prize (kasama na ang nakuha nila mula sa pagkapanalo ng 4 na pit stop legs), sinabi ni Phoebe na ido-donate nila ang bahagi ng kanilang premyo sa isang charity na tutulong sa street children na naninirahan sa Payatas.

Ang Amazing Race Philippines 2 ang pinakamalaki at pinakaginastusang proyekto ng TV5 sa taong 2014. Kasama ng Rexona at sa suporta ng Summit Natural Drinking Water, Shell V Power Nitro+, PLDT Home Telpad, RCD Royale Homes, Kia Motors, at ng Resorts World Manila, tumakbo ang programa ng sampung linggo at tinutukan dahil sa mga di-inaasahang twists at nakakagulat na episodes nito linggu-linggo.

Sa 2015, muling mapapanood ang The Amazing Race Philippines contestants sa bagong programang Extreme Challenge: Kaya Mo Ba ‘To na iho-host pa rin ni Derek sa Kapatid network.