TORONTO (Reuters) – Inilunsad ng BlackBerry Ltd at ng NantHealth, isang healthcare-focused data provider, ang isang secure cancer genome browser noong Linggo, binibigyan ang mga doktor ng kakayahan na ma-access ang genetic data ng pasyente gamit ang BlackBerry Passport smartphone.
Nitong unang bahagi ng taon, bumili ang BlackBerry ng minority stake sa pribadong NantHealth. Nakikita ng mobile technology company ang healthcare bilang niche sector nito dahil sa bentahe ng pinaigting na pagtuon sa patient privacy at sa malawak na networks ng BlackBerry na kayang pamahalaan at i-secure ang data sa mobile devices.
Sinabi ng kumpanya na ang cancer genome browser sa BlackBerry Passport ay nagbibigay ng malalim at interactive na pag-uulat sa genomics data para sa mga doktor. Binibigyan nito ang oncologist ng kagamitan upang masilip ang individual genetic alternations sa isang sakit at mabigyang-diin ang mga posibleng paraan upang ito ay malunasan.
Inilunsad ng BlackBerry ang square-screened Passport device noong Setyembre, ang kakaibang hugis nito ay idinisenyo upang madaling masilip ng mga doktor sa mas malaking screen nito ang mga X-ray, scan at iba pang dokumento.
“Our partnership with BlackBerry has really been able to create a scalable super-computer in the palm of the hands of the doctor,” sabi ni Patrick Soon-Shiong, chief executive ng NantHealth.
Ang browser ay ipakikilala sa Consumer Electronics Show (CES) sa Las Vegas sa Enero at ito ay pre-loaded na sa BlackBerry Passport devices at magiging available sa professional community sa 2015. Ang browser ay magiging available sa ibang device na gumagana sa mga karibal na platform, ngunit secured ng BlackBerry network.
Ang California-based NantHealth, na ang cloud-based platform ay konektado na sa libu-libong medical devices sa mga ospital, ay itinatag ni Soon-Shiong, isang surgeon at negosyante, na kumita ng milyunm-milyong dolyar sa pagbebenta ng kanyang dating dalawang kumpanya, ang American Pharmaceutical Partners at Abraxis BioScience.