TORONTO (Reuters)— Hinimok ng public safety minister ng Canada noong Linggo ang bansa na maging mapagmatyag matapos lumabas ang online video ng isang lalaking Canadian na lumalaban para sa Islamic State na nananawagan sa mga Canadian Muslim na magsagawa ng ‘lone wolf attacks.’
Sinabi ng SITE Intelligence Group, na sumusubaybay sa extremist activity online, na inilabas ng Islamic State ang video mula sa isang mandirigmang Canadian na tinatawag na si “Abu Anwar al-Canadi”.
Kinilala ng National Post newspaper ang lalaki, matatas sa English, na si John Maguire, isang Muslim convert mula sa Ottawa. Pinaniniwalaang bumiyahe siya sa Syria para sumali sa Islamic State fighters.
“Terrorism remains a real and serious threat to Canadians, which is why we must remain vigilant,” pahayag ni Canadian Public Safety Minister Steven Blaney bilang tugon sa video. “That is why we are taking part in the coalition that is currently conducting air strikes.”