Labingwalong mga koponan ang nagsipagapply para makalahok sa idaraos na ikaanim na edisyon ng Le Tour de Filipinas -- ang natatanging International Cycling Union (UCI)-sanctioned multi-stage road race sa bansa na idaraos sa Pebrero 1-4, 2015.
Karamihan ay pawang mga nakalahok na sa mga naunang international stagings ng karera, kinabibilangan ng apat na koponan galing sa Iran na TSR Continental Team, TPT Cycling Team, Pishgaman Yazd Pro Cycling Team at Tabriz Shahrdadi Team, ang Team Ukyo at Bridgestone Cycling Teams ng Japan at ang RTS Carbon Team at Attaque Team Gusto ng Taiwan.
Nagpahayag din ng kanilang interes na lumahok sa karera ang mga Eurpean-based squads na gaya ng Frøy-Bianchi Continental Team na nakabase sa Norway, at ang Team Novo Nordisk na galing naman ng US at gayundin ang mga Australian teams na Satalyst Giant Racing Team at Team Vorarlberg.
Inorganisa ng Ube Media, ang karera na proyekto ni Air21 AT PhilCycling chairman Bert Lina na naglalayon na maihatid ang Philippine cycling sa global stage ay ipagdiriwang din ang 60 taon ng Philippine Tour.
Maliban sa mga nauna nang nabanggit na mga koponan, nag-apply din para makalahok sa karera ang mga koponan ng CNN Cycling team at Brunei Prince’s Team, Astana Continental Team ng Kazahkstan,Pegasus Continental Team ng Indoensia, Terengganu Cycling Team ng Malaysia at ang Uzbekistan National Team.
Hangad ng organizers na malimitahan hanggang 15 koponan lamang ang kalahok sa karera, kabilang na rito ang dalawang local teams na PhilCycling national training pool at ang continental team 7-Eleven na pinangungunahan ng defending general classification champion na si Mark John Lexer Galedo.
Magsisimula ang karera sa pamamagitan ng isang 126 kilometrong Balanga-to-Balanga race sa Bataan, na susundan ng 153.75 kiometrong karera sa patag mual Balanga hanggang Iba,Zambales.
Para sa penultimate stage, bubuuin ito ng 149. 34 kilometrong karera mual Iba,Zambalaes at magtatapos sa Lingayen,Pangasinan kung saan naman magsisimula ang pag-akyat patungong Baguio City sa pamamagitan ng Kennon Road para sa last stage.
May dalawang Filipino riders na ang naghari sa Le Tour de Filipinas sa katauhan nina Baler Ravina noong 2012 at ni Galedo.
Unang nagkampeon si David McCann noong 2010, sumunod si Rahim Emami noong 2011 at sinundan naman ni Galedo si Ghader Mizbani noong 2013.