Draymond Green

CHICAGO (AP) – Naitala ni Draymond Green ang kanyang career-high na 31 puntos sa pagtalo ng Golden State Warriors sa Chicago Bulls, 112-102, kahapon upang itala ang franchise record na ika-12 sunod na panalo.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 24 puntos para sa Warriors, na pinalawig ang kanilang league-best record sa 17-2.

‘’They’re easy to coach. They’re really talented. They’re unselfish,’’ sabi ng coach ng Golden State na si Steve Kerr. ‘’I’m just lucky.’’

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinangunahan ni Jimmy Butler ang Bulls sa kanyang 24 puntos. Nag-ambag naman si Pau Gasol ng 22 puntos at 20 rebounds.

Umangat ang Warriors sa 10-1 sa kanilang road games. Una na nilang nailista ang franchise record na 11 sunod na laro mula Disyembre 29, 1971 hanggang Enero 22, 1972.

Nalaglag naman sa 2-5 ang Bulls sa kanilang sariling bakuran.

‘’You’re talking about a franchise that was historically known for losing,’’ ani Green. ‘’A new ownership group came in, and it completely changes the entire organization. It’s a great feeling. We feel like we have a lot left in the tank.’’

Natalo ang Warriors ng limang sunod at 11-of-12 at 6-28 sa mahigit 35 taon kontra Chicago.

‘’It’s been miserable,’’ sabi ni Stephen Curry, na natikman ang unang panalo sa United Center. ‘We’ve not only lost, but we’ve gotten beaten pretty bad here.’’

Naipasok nina Thompson at Green ang back-to-back 3-pointers upang ibigay sa Warriors ang 95-87 na abante sa natitirang 6:25. Isa pang 3 ang nakuha ni Green kasunod ang isang jumper upang palakihin ang kalamangan sa 103-90 may 3:11 nalalabi.

Nakakuha si Gasol ng isang tip-in sa basket upang tapyasin ang kalamangan sa 107-100 sa huling 31.5 segundo, ngunit si Curry ay nakapagbuslo ng 5-of-6 free throws sa huling mga segundo ng laro. Si Green naman ay 7-of-13 mula sa 3-point range.

Ang dating career high ni Green ay 24 puntos laban sa Los Angeles Clippers noong Nobyembre 5. Pumasok siya sa laro kahapon na mayroong average na 12.5 puntos.

‘’He’s given us a new dimension with his 3-point shooting,’’ sambit ni Kerr.

Nagtapos si Curry na may 19 puntos para sa double-figure scoring sa 18 ng 19 laro. Kapwa nagdagdag sina Harrison Barnes at Marreese Speights ng tig-11 puntos para sa Warriors na 12-of-30 mula sa 3-point range at nakakuha ng 28 fast-break points kumpara sa 13 ng Bulls.

Umiskor si Joakim Noah ng 16 puntos at si Taj Gibson, nagbabalik makaraan ang anim na larong pagkakatengga dahil sa ankle injury, ay nagdagdag ng 12 puntos para sa Bulls na nagkamit ng 22 turnovers. Nailista ni Gasol ang kanyang ikaanim na sunod na double-double.

Resulta ng ibang laro:

Philadelphia 108, Detroit 101 (OT)

Houston 100, Phoenix 95

San Antonio 123, Minnesota 101

Orlando 105, Sacramento 96

LA Clippers 120, New Orleans 100