TARLAC CITY- Inihayag ni City Mayor Gelacio Manalang ang unti-unting tax adjustment sa lungsod ng Tarlac na pinabulaanan niyang panibagong pasanin sa mga Tarlakenyos.

Ayon sa alkalde, ito ay kabilang sa kanyang administrasyon na ibinase sa tax rates na sinusunod sa chartered cities.

Ipinaliwanag ni Manalang na ang business taxes na kasalukuyang ipinapatupad sa lungsod ay patuloy pang ipinapairal bago ang Tarlac’s cityhood noong 1998. Ang tax increase aniya ay laging nakasunod matapos ma-convert ang bayan sa pagiging siyudad.

Pinakiusapan ng alkalde ang mga empleyado sa lungsod na tulungan siya na maipaliwanag sa mga Tarlakenyos ang bagay na ito, kung saan ang maling impormasyon hinggil sa tax increase na ikinakalat sa loob at labas ng city hall ng isang ‘text brigade group’ na layuning wasakin ang kanyang administrasyon.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Tulungan ninyo akong ipaliwanag sa mga tao ang totoo upang maipakita sa mga naninira at namumulitika na tapat ang ating pagseserbisyo,” ayon kay Manalang.