DAHIL sa bagyong Ruby, namove ang much awaited Style Setters Garage Sales sa Whitespace sa December 13 at 14.

Ang naturang proyekto ni Ms. Korina Sanchez’ ay may layuning maibili ng bagong pares ng tsinelas ang mga batang mahihirap. Sa halagang P25 kada pares, ang anumang bilhin sa sale ay pawang mapupunta sa mga bata ngayong Pasko.

Maaaring makabili sa unang Style Setters Christmas Garage Sale ng modern and antique furniture, silverware, Persian carpets, Chinese porcelaine, home fashion accessories, designer clothes, mga sapatos, at bags mula sa personal collections ng ilang sikat na personalities sa fashion, beauty, broadcast, culinary, furniture at entertainment.

Kasama ni Korina sa charity project na ito sina Pepito Albert, Margarita Fores, Inno Sotto, Patrick Rosas, Kaye Tinga, Ian Giron, Agnes Desiderio, Tim Yap, Tessa Prieto- Valdes, Zsa Zsa Padilla, at maraming iba pa.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Ang sale ay para sa kapakinabangan ng Handog Tsinelas Campaign na layong makapagbigay ng isang milyong pares ng tsinelas ngayong Pasko.