NOONG 2013, sinagasaan ng isa sa pinakamalalakas na bagyo sa buong mundo ang Pilipinas, partikular ang Eastern Visayas, na ikinamatay ng may 10,000 tao (bagamat itinatanggi ito ng gobyerno) at ikinawasak ng bilyun-bilyong pisong ariarian, pananim, at imprastraktura. Habang sinusulat ko ito, ang bagyong Hagupit o Ruby na may malalakas na hangin ay kalalapag sa Visayas at hindi pa alam ang epekto nito sa mga lugar na dinapurak ng bagyong Yolanda noong Nobyembre, 2013. Sana naman ay hindi makapinsala nang malaki at makapangwasak nang husto si “Ruby” sa Pinas.

Sa wakas, sinuspinde rin si PNP Director-General Allan Purisima at 17 iba ng anim na buwan dahil diumano sa maanomalyang kontrata sa isang pribadong courier service delivery, ang Werfast Documentary Agency noong 2011, at sa pagkawala ng maraming AK-assault rifles na naibenta umano sa NPA rebels. Naku naman, mga baril ng gobyerno na napasakamay ng mga rebelde at gagamitin sa pagpatay sa mga sundalo at pulis. Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayang ng PNP na ang kanilang lider ay sinuspinde dahil sa mga alegasyon ng kurapsiyon.

Nasa tamang direksiyon ang desisyon ng Ombudsman sa pamumuno ni Conchita Carpio-Morales. Isa siya sa kababaihang may “balls” gaya nina DOJ Sec. Leila de Lima, COA Commissioner Grace Pulido-Tan, at BIR Commissioner Kim Henares. Kahanay na nila ngayon si SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi napayuko ni PNoy tungkol sa isyu ng DAP na idineklarang unconstitutional ng SC. Sina Morales, De Lima, Pulido-Tan at Sereno ang mga babae na may “balls” di tulad ng mga lalaking senador at kongresista na talagang may balls pero urong naman sa karuwagan.

Nais linawin ng Simbahang Katoliko sa pamamagitan ni Fr. Anton Pascual, pinuno ng Papal Visit subcommittee on media relations and publicity, na ang welcome Pope Francis banners na nakakalat ngayon sa mga lansangan at kalye ng Metro Manila, ay pagpapakita ng Filipino hospitality at hindi bunsod ng komersiyalisasyon ng mga korporasyon. Tugon ito sa pahayag ni Atty. Romulo Macalintal, na kinokomersiyo raw ang pagbisita ng Santo Papa dahil nakalagay ang pangalan ng mga kompanya sa mga banner. Katwiran ni Fr. Anton na ang welcome banners ay gawa ng Radio Veritas sa pakikipagtulungan ng ilang kompanya. Anyway, ang mga pangalan naman ng kompanya ay nasa maliit na espasyo lang sa ibaba bilang pasasalamat sa tulong at hindi para sa komersiyo.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists