Posibleng rumagasa ang lahar ng Bulkang Mayon sa Albay kapag bumuhos ang malakas na ulan na hatid ng bagyong “Ruby.”

Ito ang naging babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa paligid ng bulkan.

Ayon kay volcanologist Christian Clarito, kabilang sa mga lugar na maaaring magkaroon ng lahar flow ay ang mga sumusunod: Guinobatan, Legaspi City, Sto. Domingo, Daraga, at Ligao City.

Idinahilan ni Clarito ang pagkakaroon ng river channel na sumasaklaw sa mga bayang ito na maaaring pagdaanan ng lahar na posibleng umapaw sa kabayanan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Maaari ring maging sanhi nang pagputok ng bulkan ang malakas na pag-ulan.

Sa huling ulat ng Phivolcs, ipinaiiral pa rin ang alert level 3 ng Mayon na ang ibig sabihin ay namamaga pa rin ang kabuuan nito na kinapapalooban ng magma pressure at movements sa ilalim at maaaring bumuga anumang oras.