PAPALAPIT na ang grand finals ng Voice of the Philippines at maraming nag-aabang kung sino ang susunod na mananalo.
Sa totoo lang, mas exciting din ang interactions ng coaches (Ms. Lea Salonga, Apl de Ap, Bamboo Manalac at Sarah G) lalo na ‘pag nag-aagawan sa contestants, lalo na ngayong may ‘steal’.
Nakakaaliw ang kulitan at asaran nila sa programa.
Sa isang panayam kay Luis Manzano bilang bahagi ng Voice of the Philippines, sinabi niya na okay ang samahan ng coaches.
Pinabulaanan niya na may nagaganap na asaran to the point na nagkapikunan sina Lea at Apl de Ap sa isang contestant.
"Wala. Wala naman. They’re both outspoken pero they know the game. Never silang nagkapikunan na kahit anything serious naman,” paglilinaw ni Luis.
Samantala, nilinaw din ni Luis ang tungkol sa matagal nang nababalitang pagpasok niya sa pulitika.
“I do have to think running very soon. I’m still talking to a lot of people, mga bagong tao na nagugulat ako kung bakit ko na lang nakakausap and I will have a decision very, very soon. I still have to make my mind up very soon,” sabi niya.
Kung sakali mang magdesisyon si Luis, hindi raw ito sa pamamaraang parang isang public announcement.
"Hindi naman public announcement, hindi ko naman nakikita na sasabihin ko, ‘Eto pakinggan n’yo, tatakbo ako’. The way I see it, it’s something very personal. Hindi ko kailangang i-broadcast kung sakaling tatakbo ako. Hindi naman ako showbiz in that aspect. So, ang sa akin, if I decide to run at siguro nagkataon na may interbyu na nangyayari, I’ll be open about it or siguro makikita ako sa filing. But as of this moment I’m taking everything in, all sides, both the pros and cons kung sakaling tumakbo ako, (kung) ano ‘yung mga kailangan. Andu’n pa ako sa bagay na ‘yun,” ani Luis.
Ano ang kahihinatnan ng showbiz career niya kung sakaling harapin niya ang pulitika?
“I would like to take it easy, way easy. Kasi kung sakasakaling tumakbo ako, the voters need my undivided attention. It would be very unfair sa isang botante kung tatakbo ako ‘tapos ipapagkatiwala nila sa akin buong buhay nila especially for a first timer, pero hati naman ang attention ko? Napaka-unfair sa tao na ‘yung tiwala na ‘yun na isusulat ‘yung pangalan mo sa ballot. So kung sakali I’d have to really slow down sa mga ginagawa ko para sa showbiz,” pahayag ni Luis.