Isang grupo ng investors na nakabase sa United Arab Emirates (UAE) ang nakahandang magambag para lamang matuloy ang pinakaaasam na laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Ayon sa ulat na nalathala sa wires (AFP), sinabi ni boxing executive M. Akbar Muhammad na ang naturang grupo ay nag-aalok ng halagang $200 million kina Mayweather at Pacquiao upang idaos ang kanilang laban sa UAE capital.

“The Abu Dhabi group (sic) is a most serious and capable investment entity in the sport of boxing,” ayon kay Muhammad na naunang nakapanayam sa boxingscene.com. “It is ready, willing and able to fund to the extent necessary to turn the theory of a Mayweather-Pacquiao fight into a reality.”

“Thus, my instructions remain the same: do whatever it takes to bring this long-awaited and eagerly anticipated fight across the line.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

May record purse na $110 million na mapupunta kay Mayweather, na ang kompanya ay siya ring magsisilbing lead promoter ng event kung sakali at ng iba pang mga boxing events na gaganapin sa UAE,” ayon pa kay Muhammad.

“We also envision that future fight cards in this part of world, regardless if Mr. Mayweather fights on them or not, will be done with Mayweather Promotions as the lead promoter,” ani Muhammad na dating Senior Vice President ng Top Rank at siyang naatasan para maging negotiator upang maidaos ang megafight sa Abu Dhabi.

Kung matutuloy, gaganapin ang laban sa kalagitnaan ng 2015 at magsisilbing bahagi ng gagawing tribute ng bansa sa ika-10 anibersaryo ng pagkamatay ng kanilang dating pangulo na si Zayed bin Sultan Al Nahyan.

Bukod sa pag-alok ng recordsetting purse, hangad din ng grupo na kumbinsihin sina Pacquiao at Mayweather na hindi masasayang ang pagkakataon kung maidaraos ang laban nila sa UAE na itinuturing na isa sa pinakamalaking “economies” ng Middle East.