Si Hugh Jackman at ang may-akda. copy

NEW YORK CITY -Pinagkakaguluhan ang broadway show na The River ng Australian actor na si Hugh Jackman kasama sina Laura Donnelly and Cush Jumbo na idinirek ni Ian Rickson sa Circle in the Square, 50th Street West of Broadway, New York NY noong Friday, December 5,2014.

Hindi namin alam na paborito pala ng mag-iinang Sylvia Sanchez, Ria Atayde at Arjo Atayde si Hugh Jackman kay a laking pasalamat nila na bago magkaubusan ng tickets ay nakapagpa-reserve na sila at take note, $236 each, eh, lima kami kaya umabot sa $1,180.

Sulit naman ang panonood namin, Bossing DMB dahil sinuwerte kaming makausap si Hugh sa backstage at nakapagpa-picture pa na kasama siya.

National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!

"We really like you and we flew all the way from the Philippines just to watch your show and these are my kids," sabay pakilala kina Ria at Arjo.

"Oh, from the Philippines, I'm worried about the Philippines tonight because there's typhoon, right?" sagot niya na ikinagulat namin. Nagulat kami nang aktong kukunan na ng litrato sina Ibyang at Hugh dahil speechless ang aktres na kilalang madaldal at maingay, napangiti si Hugh na siya mismo nang yumakap sa aktres na tatlong ding yumakap sa sikat na Hollywood actor.

"Oh my God, I think I'm going to faint" bulalas naman ni Ria nang siya na ang kukunan kasama si Hugh, na natawa at nagsabing, "No, you're not," sabay kabig sa dalaga at nagpa-picture na.

Sumunod si Arjo at nabanggit ni Ibyang na, "He's an actor also in the Philippines and he likes you a lot."

Kinamayan ni Hugh si Arjo at sabay sabing, "Good luck in your acting and be real."

Tulala ang binata sa sinabi ng sikat at premyadong Hollywood actor.

In fairness, likas o genuine na mabait si Hugh Jackman dahil kahit pinapalabas at pinipigilan na kami ng bodyguards ay nagsabi siya ng, "It's okay, let them."

Paglabas niya ng theater ay sangkaterba pala ang nag-aabang sa kanya para magpapirma ng tickets at programme at lahat ay pinagbigyan, 'yun nga lang hindi na sila nakapagpapicture dahil nagmamadali na siya at may lakad pa.