ATHENS, Greece (AP) — Nauwi sa karahasan ang martsa ng libu-libong katao sa central Athens upang markahan ang anibersaryo ng pamamaril ng isang pulis sa isang hindi armadong binatilyo noong Sabado, nang sirain ng mga demonstrador ang mga tindahan at bus stations at sinilaban ang mga damit na kanilang ninakaw mula sa isang tindahan. May 211 katao ang idinetine.

Ang mga martsa ay bilang paggunita sa police killing noong Disyembre 6, 2008 sa 15-anyos na si Alexandros Grigoropoulos sa kabisera, na nauwi sa dalawang linggo na pinakabayolenteng protesta sa Greece sa loob ng maraming dekada.

Nagkakasagutan si Grigoropoulos at ng kanyang mga kaibigan na dalawang pulis nang kunin ng isang pulis ang kanyang baril sa patrol car at binaril ang binatilyo. Ang pumatay kay Grigoropoulos, si police officer Epaminondas Korkoneas, ay nagsisilbi ng habambuhay sa kulungan.
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands