ROME (AFP)— Isang eroplano ng US Airways ang nag-emergency landing sa Rome matapos magkasakit ang dalawang pasahero at 11 miyembro ng crew nito.

Ang eroplano, lumipad mula Tel Aviv sa Israel at patungong Philadelphia sa United States, ay lumapag sa Fiumicino airport sa kabisera ng Italy upang humingi ng medical assistance para sa 13 katao na dumanas ng pamumula ng mata at pagsusuka.

“The aircraft, an Airbus A330 with 129 passengers, landed safely and all passengers have been re-accommodated on other flights,” pahayag ng US Airways.

Pinaghihinalaan na ang nasirang ventilation system ng Airbus A330 ang dahilan ng kanilang pagkakasakit.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon