Nababahala na ang mga miyembro ng konseho ng Quezon City hinggil sa ulat na ang siyudad ang may pinakamaraming kaso ng HIV/AIDS sa Metro Manila.

Dahil dito, umapela si First District Councilor Victor Ferrer Jr. sa publiko, lalo na ‘yung mahihilig makipagtalik ng walang proteksiyon, na magpatingin sa doktor upang matiyak ang estado ng kanilang kalusugan.

Kamakailan, nilagdaan ng pamahalaang lungsod at Department of Health (DoH), sa pakikipagtulungan ng United States Agency for International Aid (USAID), ang memorandum of understanding (MoU) sa pagsasagawa ng malawakang kampanya sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa kahalagahan na sumailalim sa HIV test upang hindi kumalat ang nakamamatay na sakit.

Lumitaw sa datos ng DoH na halos 77 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng HIV/AIDS sa Metro Manila ay nasa Quezon City.

Rep. Pulong Duterte binalingan si Rep. Castro?; trato kina VP Sara, Lopez, ikinumpara!

Pinayuhan ni Ferrer ang publiko na huwag mag-atubiling magpatingin sa espesyalista o magpagamot sa ospital upang hindi lumala ang kanilang kondisyon at mabutas ang kanilang bulsa sa pagpapagamot.

“Mayroon tayong Klinika Bernardo na pinatatakbo ng mga eksperto tulad ng mga nasa pribadong ospital,” giit ni Ferrer.

Samantala, hiniling ni Majority Floor Leader Jesus Manuel Suntay sa mga lokal na opisyal na makipagugnayan sa DoH at pulisya sa pagpapasara ng mga fly-bynight clinic na nagpapanggap na gumagamot ng mga sex disease sa Quezon City.