SANAA/ADEN (Reuters) – Nilusob ng US special forces ang isang compound sa malayong pamayanan sa Yemen noong Sabado ng umaga sa tangkang palayain ang Western hostages na hawak ng isang al Qaeda unit, ngunit isang American journalist at isang South African teacher ang pinatay ng mga bumihag sa kanila, sinabi ng mga opisyal.
Inihayag ni US Secretary of State John Kerry at ng isang Yemeni intelligence official na sina Luke Somers, 33, at ang South African na si Pierre Korkie, 56, ay binaril ng kanilang mga kidnapper nang matunugan ang raid sa distrito ng Wadi Abadan sa Shabwa, isang lalawigan na itinuturing na teritoryo ng al Qaeda.
Ito ang ikalawang pagtatangka ng US na palayain si Somers sa loob ng 10 araw at sinabi ni Kerry na inaprubahan ang operasyon dahil sa mga impormasyon na nanganganib ang buhay ni Somers. “It was our assessment that that clock would run out on Saturday,” sabi ng isang US official.
Gayunman, sinabi ng Gift of the Givers relief group, na sinisikap sana nitong mapalaya si Korkie noong Linggo.