blind item shades

SELOSA pala ang sikat na young actress at hindi niya ito maitago kahit na kaharap ang magulang niya, ipinakikita talaga niyang nakasimangot siya.

Natatawang-naiiling ang kaibigan namin habang nagkukuwento sa engkuwentro niya sa sikat na young actress sa ibang bansa.

Magkakilala at super-duper close kasi ang kaibigan namin at ang young actor na ka-love team ng sikat na young actress, kaya nang magkita sila sa bansa na pawang mayayaman ang nakakapag-tour ay tsikahan to the max sila.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Nakita sila ng sikat na young actress na hindi maipinta ang mukha sa pagkakasimangot at talagang matalim na ang tingin sa kaibigan namin na naiiling lang at sinabi sa young actor na puntahan na nito ang ka-love team dahil naghihintay na.

Ipinakilala naman ni Young Actor ang kaibigan namin sa sikat na young actress at bumati naman pero halata at ramdam niyang plastic daw.

Nag-smile na lang ang kaibigan namin sa sambakol na facial expression ng sikat na young actress dahil naiintindihan daw niya ito na kulang na lang ay umusok ang mga ilong sa sobrang selos.

Susme, akala ko ba hindi magdyowa ang sikat na young actress at young aktor. Bakit may selosan factor?