Itataya ngayon ni dating WBA at WBO flyweight champion Brian Viloria ang kanyang mataas na world rankings laban kay Mexican No. 6 contender Armando Vasquez sa 10-round bout sa Civic Auditorium, Glendale, California.

Tumimbang si Viloria ng 112.4 pounds samantalang mas magaan si Vasquez sa 111.2 pounds para sa kanilang flyweight bout kung saan ay tatangkain ng Filipino-American na itala ang ikatlong sunod na panalo mula nang maagaw sa kanya ng Mexican din na si Juan Francisco Estrada ang mga korona noong Abril 6, 2013 sa Macau, China.

Inaasahang patutulugin ni Viloria si Vasquez na dumayo sa Pilipinas noong 2011 pero pinatulog lamang sa 1st round ni WBO light flyweight champion Donnie Nietes sa non-title bout sa Bacolod City. Malaki ang mawawala kay Viloria kapag natalo dahil nakalista siyang WBA No. 2, WBO. No. 2, WBA No. 5 at IBF No. 7 sa flyweight division.

Sa CUM Center sa Hermosillo, Mexico, kakasa naman sa non-title bout si Estrada laban sa walang talong Pinoy boxer na si Joebert Alvarez sa 10-round na sagupaan ngayon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The official weigh-in was held for today’s main event where WBA/WBO flyweight world champion Juan Francisco Estrada (30-2, 22KOs), considered to be one of the best fighters in the lower weight divisions, will face Filipino contender Joebert Alvarez (14-0-1, 6KOs),” ayon sa ulat ng BoxingScene.com. “Estrada weighed 114.6 pounds and Alvarez was 112.4 pounds. Fernando Beltran of Zanfer Promotions is staging the show. Also on the card is former champion Hernan “Tyson” Marquez.”

Si Alvarez na alagang boksingero ni Nonito Donaire Sr. ay nakalistang No. 8 contender sa IBF at WBO rankings at nasungkit ang WBC Continental Americas flyweight crown nang talunin sa12-round unanimous decision si Mexican Julian Rivera noong Abril 4, 2014 sa sagupaang ginanap sa Mexico City.