Disyembre 7, 1724 nang bitayin ng Polish authorities ang ilang Lutheran, kabilang ang alkalde ng Torun City, na nagsagawa ng “Tumult of Torun,” na isang pag-atake sa akademyang Heswita.

Umusbong ang tensiyon sa pagitan ng mga Protestante (ang makapangyarihan sa lungsod ng panahong iyon) at mga Katoliko dahil sa Jesuit Counter-Reformation. Nagsimula ang “Tumult of Torun” sa maliit na away ng mga estudyante ng Jesuit College at mga estudyante ng Protestant Academic Gymnasium.

Natuldukan ang gulo sa pamamagitan ng espesyal na Catholic royal committee na tumukoy sa mga responsable, na 14 sa mga ito ang hinatulang mamatay.

Dahil dito, muntik nang magkaroon ng digmaang pangrelihiyon sa Europe. Sinuportahan ang lungsod ng mga hari ng Protestanteng Denmark at England, ng tsar ng Russia, at ni Frederick II ng Prussia. Sinuportahan naman ang Warsaw (sa Poland) ng mga Katolikong bansa na Austria at Spain.

Sen. Bato handa raw maging patas sa impeachment trial ni VP Sara