CAMILING, Tarlac - Grabeng nasugatan ang isang driver at isang mag-ama matapos mabangga at makaladkad ng isang dump truck ang sinasakyan nilang tricycle sa highway ng Barangay Malacampa sa Camiling, Tarlac, noong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni PO2 Arnel Agiam, traffic investigator, nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Thomas Sena, 32, driver ng Rusi 100 motorized tricycle (IC-5452); mag-amang Rodrigo, 75, at Luke Sena Ordoño, 3, pawang taga-Bgy. Baldios, Santa Ignacia, Tarlac na kaagad na isinugod sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital.

Nabangga ang tricycle ng dump truck (WEI-154) ng Solid Machinery and DSL Parts, Inc., na minamaneho ni Rudy Inocencio, 62, ng Bgy. San Jose, Tarlac City.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na