Bago pa man pumasok ang Kapaskuhan, naihanda na ng Star City ang bagong panoorin para sa mga bibisita sa pinakabantog na amusement park sa bansa.

Tulad ng inaasahan, nanlalaki ang mata ng mga bata kapag nakikita nila ang kanilang mga paboritong karakter sa storybooks na nabuhay nang napakalaki. Isang higanteng manyika, malaking kahon ng krayola, radyo at teddy bear ang agad na tumatambad sa kanilang paningin, at magbibigay-daan sa iba pang makukulay na display sa loob.

Sa Snow World naman, mga ice carving ng iba’t ibang uri ng mga hayop na matatagpuan sa North Pole ang kinagigiliwan ng mga pumapasok upang makatikim ng tunay na snow at magpadulas sa pinakamahabang ice slide sa Asia.

Sikat na sikat din ang thrill rides tulad ng Star Flyer bukod pa sa pinakamataas na ferris wheel sa buong bansa, na nagbigay kulay sa kapatagan ng Manila Bay. Ang Wacky Worm, Blizzard, Viking Ship, Jungle Splash, Telekombat, at Bump Cars ay nananatiling paborito ng mga bata’t matanda, bukod sa hilig pa nilang puntahan na Pirate Adventure, Magic Forest, at Dungeon. Ang Lazer Blaster naman ay isang tag arena na kinagigliwan ng buong pamilya at magbabarkada.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Star City ay bukas mula alas kuwatro ng hapon Lunes hanggang Huwebes, at mula alas dos mula Biyernes hanggang Linggo. Ang karaniwang entrance ticket ay P56 ngunit maaaring kumuha ng Ride-All-You-Can access sa halagang P420. Mayroon ding special promo na kung tawagin ay Three Cheers, para sa mga gustong bumili ng tatlong sasakyan lamang.