Natagpuan kahapon na palutanglutang sa Pasig River, sa bahaging sakop ng San Miguel sa Quiapo, Maynila, ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage.

Nakabalot sa asul na tarpaulin at nakalabas pa ang ulo ng biktima nang mamataan ng mga batang naglalaro ang bangkay dakong 9:30 ng umaga kahapon sa likod ng Gaisano warehouse.

Ayon kay SPO1 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay nasa edad 25-30, may taas na 5’5”, balingkinitan, maputi at nakasuot ng itim na sando at itim na underwear.

May malalim aniyang sugat sa noo ang biktima, na indikasyong posible na pinukpok ng matigas na bagay sa ulo ang biktima, na may nakapulupot din na alambre sa leeg. Pinaniniwalaang ang pagkabigti ang ikinamatay nito.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kasalukuyan umanong naglalaro ang mga bata sa gilid ng ilog nang mamataan ang nakalutang na bangkay.

Kaagad namang isinumbong ng mga bata ang insidente sa chairman ng barangay na si Suharto Bulag, ng Barangay 647, Zone 69, na nag-ulat ng insidente sa pulisya.

Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.