Brandon Vera

Tulad ng kanyang ipinangako, ilang araw bago ang kanyang unang pagtapak sa octagon ng One Fighting Championship (ONE FC), hindi nga hinayaan ni Brandon Vera na umabot sa tatlong round ang kanilang sagupaan ni Igor Subora sa co-main event ng “One FC: Warrior’s Way”.

Sa likod ng malalakas na hiyawan at palakpakan ng kanyang mga tagasuporta sa Mall of Asia Arena, naging matagumpay ang debut bout ni Vera sa ONE FC nang makuha niya ang KO victory sa 3:54 mark ng unang round ng kanilang sagupaan ng URCC heavyweight champion kamakalawa ng gabi.

“Yes, I made sure of my promise of not letting Igor finish the fight,” lahad ng Filipino-American MMA superstar sa mga mamamahayag ilang sandali makaraan ng kanyang pagkapanalo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“But honestly, man, I tell you, out of all my fights, this is my most nerve-wracking one. I tried not to show it, but I was so nervous. Kasi, ‘di ba, it’s my first time to fight in the Philippines, and all I can think of was I have to do good,” dagdag ni Vera.

Agad na nagpakita ng kanyang tikas at bilis si Vera sa pagtunog pa lamang ng bell. Nagawa pang makipagsabayan ni Subora sa striking ni Vera, ngunit nakakita ng opening si Vera para sa isang takedown at hindi na niya tinantanan ang Ukranian hanggang itigil ng referee ang laban.

Ani Vera, malaking bagay ang pagdalo ng kanyang pamilya, na kanyang pinag-alayan ng laban, sa kanyang pagsungkit ng impresibong panalo laban kay Subora.

“To have my family, friends, and second family – the fans, come out here to support me and cheer for me, that meant a lot. Having them here, all of you here, that’s where I draw my energy and inspiration from. Thank you. Maraming salamat sa lahat,” sinabi niya.

Nang tanungin kung ano ang kanyang reaksiyon sa pagpapahayag ng ilang heavyweight fighters mula sa ibang promosyon na interesado silang makatapat si Vera sa mga hinaharap na ONE FC events, sinabi ng 37-anyos na hindi niya aatrasan ang anumang hamon.

“Man, all these fighters say they’re interested to fight me. They should keep my name out of their mouths. But if the opportunity presents itself, then, yeah, I’m game. It’s all up to ONE FC to decide who I should face next. I won’t back down or make excuses not to fight. I’m not that kind of fighter. Let’s see what happens next. But for now, let me celebrate this hometown win.”