Isinusulong ngayon sa Kongreso na ma-exempt ang mga masahistang bulag na lehitimong miyembro ng mga kooperatiba sa Administrative Order No. 2010-0034 na inoobliga ang lahat ng massage therapist na kumuha ng lisensiya na sertipikado ng DOH.

Nanawagan si Party-list AGAP Rep. Rico B. Geron sa Kamara na atasan ang House Committee on Cooperatives na umapela sa DOH bigyang ng exemption ang mga masahistang bulag sa “training regulations, curriculum for the Licensure Examination, Manual for the Licensure Examination and DOH Licensure Protocols.”

Iginiit ni Geron na ang ganitong kautusan ay mahirap sa mga bulag dahil ito ay para lamang sa “sighted” o may mga paningin.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte