PAULO Avelino and KC Concepcion

HINAYANG na hinayang si Sylvia Sanchez na gustung-gusto pa namang makatrabaho si KC Concepcion dahil gandang-ganda siya at gusto niyang umarte, pero hindi siya natuloy sa project nila.

Gaganap sanang nanay ni KC si Ibyang sa Give Love On Christmas serye kasama si Paulo Avelino. Pero naka-book na si Sylvia for US para sa kasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño ngayong December 8 at hindi puwedeng hindi siya dumalo dahil ninong ang asawa niyang si Art Atayde.

“Hindi ako makakapag-taping, sayang nga, gusto ko pa naman si KC. Okay lang, sa susunod na project na lang siguro,” say ng aktres na kasama na sa Walk of Fame sa Eastwood City na iginawad sa kanya noong Disyembre 1.

National

MMDA gagamit ng high-tech mobile command center sa SONA

“Exchange Gift” ang title ng episode nina KC at Paulo sa Give Love On Christmas, ang kanilang unang pagsasama sa isang proyekto.

Matagal nang usap-usapan na magkarelasyon na sina Paulo at KC pero ang sabi-sabi’y hindi lang nila maamin dahil may kani-kaniya silang projects na iba ang katambal.

Sabi nga ng mga katoto, pupuntahan ba naman ni Paulo si KC sa New York at maisasama ba naman nito ang dalaga sa pamilya sa Baguio (hometown ng actor) kung wala silang relasyon?

Ngayong sila na ang magkatambal, maraming reporters ang nag-aabang sa press launch ng “Exchange Gift” dahil baka raw umamin na sila sa wakas.