SANTIAGO CITY, Isabela - Paglabag sa karapatang pantao, illegal detention at abuse of authority ang isinampa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)-Isabela laban kay Santiago City Police chief Supt. Alexander Santos at sa mga tauhan nito na umaresto at nagkulong sa mga kabo at kubrador ng Small Town Lottery (STL) noong Nobyembre 28, 2014.

At dahil wala namang kaso na isinampa laban sa mga ito, nitong Disyembre 1 lang pinalaya ang mga empleyado ng STL.

Ayon sa pag-aaral ni City Prosecutor Arthuro Kub-ao, walang nilabag na batas ang mga naaresto dahil pawang lehitimong kawani sila ng PCSO.

Ayon kay PCSO-Isabela Branch Manager Reynaldo Matin, nag-ugat ang pagdakip nang tumanggi ang mga kabo at kubrador na ipasok ang kanilang koleksyon sa pa-jueteng ni Executive Assistant Soc Navarro, malapit na tauhan ni Santiago City Mayor Joseph Tan, kaya inutusan nito ang pulis, sa pamumuno ni Senior Supt. Alex Santos, na arestuhin ang mga tauhan ng STL.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 4.8