trafalgar [afp]

LONDON (AFP) – Lumiwanag ang daan-daang ilaw sa 21 metrong Christmas tree sa Trafalgar Square noong Huwebes sa isang tradisyunal na seremonyang ipinagdidiriwang ang relasyon ng Britain at Norway.

Ang puno ay ipinagkakaloob ng kabiserang Oslo sa Norway taun-taon bilang token of gratitude sa suporta ng Britain sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang tradisyon na nagsimula noong 1947.

Nang lusubin ng Germany ang Norway noong 1940, tumakas si King Haakon VII patungong London at nagtayo ng government in exile.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The arrival and lighting of the Trafalgar Square Christmas tree marks the countdown to Christmas in a much loved city tradition,” sabi ni London mayor Boris Johnson.

Ang mga ilaw ay sinindihan ngayong taon ni Stian Berger Rosland, governing mayor ng Solo.

Ang 21-metrong puno, pinutol sa isang kakahuyan sa Oslo, ay pinalamutian ng 900 ilaw.