Sa kabila ng mga independiyente, natuklasan sa pag-aaral at rekomendasyon ng mga kilalang ekonomista na kumikilos ang Kongreso sa kahilingan ni Pangulong Benigno S. Aquino III para magpasa ng House Bill 4296, na magpapalawig ng dalawang taon sa RA 9700 o Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na napaso noong Hunyo 30, 2014.
Sa ulat ng World Bank Philippine Development, hindi naayos ng paglikha ng higit at mahusay na trabaho ang sektor ng agrikultura sa nakalipas na 30 taon, kumpara sa ibang bansa sa Asia.
Nabatid sa ulat na ang usapin sa reporma sa agraryo ang dahilan sa likod ng mababang produksiyon ng agrikultura.
Hindi ibinilang ang maagang pagsusumikap ng gobyerno mula 1930, na ang kasalukuyang CARP at limang taong pagpapalawig sa CARP o CARPER ay nasa 26 na taon na ngayon, ang pinakamatagal sa mundo.
Nabatid mula sa kilalang ekonomista na si Raul V. Fabella, ng UP School of Economics at National Academy of Science and Technology, na bigo ang CARP na mapaunlad ang produktibidad ng sakahan at kalidad ng buhay ng mga benepisyaryo.
Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), nasa 7.8 milyong ektarya ang saklaw ng CARP at sa pagtatapos ng 2013 ay 6.9-milyong ektarya o 88 porsiyento ang naipamahagi na.
Layunin ng kagawaran na palawigin pa ng dalawang taon ang CARP upang makumpleto ang pamamahagi sa mga magsasaka ng nalalabing 771,795-ektaryang lupain.