Marian Rivera

IBINIBIGAY po sa akin, hindi ko hinihingi ang bridal shower,” natatawang sagot ni Marian Rivera nang biruin kung pang-ilang shower na niya ang ibinigay ni Dra. Belo noong Biyernes sa Il Terrazo in Quezon City. “Pang-anim na po ito na mga kaibigan at mga taong nagmamahal sa akin ang nagbigay. Nang sabihin sa akin ni Dra. Vicki bibigyan niya ako ng bridal shower ang ko, ‘salamat Dra. Vicki’, sagot niya sa akin, ka pa ba p’wedeng mag-practice tawagin ninang?’ Kaya p’wede ko bang tanggihan offer ng isa sa mga ninang namin ni Dong Dingdong Dantes)?”

Nang tanungin si Marian kung sinu-sino gusto niyang imbitahan sa kanyang “Belo 6thBridalShowerNiYan”, hiniling niyang makapiling ang entertainment press.

Wala sa event si Dra. Vicki na dumalo sa isang convention sa New York City para hindi mahuli Belo Medical Clinic sa mga latest tungkol pagpapaganda, kaya ang anak na si Cristalle Henares ang namahala sa sosyal na bridal shower.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Decor ng venue ang isang bath tab, at si ay nilagyan ni Cristalle ng wedding veil isinasagawa ang bridal shower na may game pa na sa halip na numbers, mga ni Marian sa tanong ang nandoon. Kaya saya-saya dahil naging question and answer iyon.

Bakit nga ba sa kabila ng tuluy-tuloy na trabaho at halos hindi rin napapahinga sa paghahanda para sa nalalapit niyang kasal, lalo gumaganda at glowing si Marian?

Siguro po, dahil masaya ako talaga. Hindi ba ganoon naman ang magiging feeling mo, lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa akin at sa mga taong gustong i-share ang pagmamahal nila sa akin ay dapat kong yakapin para mas maging masaya ako at glowing sa araw ng kasal ko?

“Ang totoo excitement ang nararamdaman ko at hindi ako nai-stress. Ini-enjoy ko ang bawat moments bago ang kasal ko. Wala akong wedding jitters, siguro po dahil lahat ng paghahanda, inako nang lahat ng mapapangasawa ko. Kaya kapag may nagtatanong sa akin kung paano ang wedding march, hindi ko alam dahil si Dong, laging may sorpresa sa akin. Ngayon ko nga lang nalaman na ang magpu-provide pala ng music sa araw ng kasal namin, ang boy’s choir ng Ateneo de Manila at La Salle. Magsasama sila para sa amin ni Dong.”

Graduate si Dingdong ng Ateneo de Manila University at nagtapos naman si Marian sa De La Salle University, Dasmarinas, Cavite.

Ang sikat na fashion designer na si Michael Cinco na nakabase ngayon sa Dubai ang mismong magdadala sa Pilipinas ng dinisenyo at tinahi nitong wedding gown ni Marian.

“Siya rin ang magbibihis sa akin sa araw ng kasal ko. Susundin ko po ang Filipino tradition natin na hindi ko isusukat ang wedding gown na sa oras na lamang ng kasal makikita ni Dong. Mayroon din akong something new, something borrowed and something old. Hindi ko pa alam kung ano ang something new at something old na isusuot ko pero ang something borrowed, ang jewelry ni mama.”

Maging ang kulay ng wedding gown ni Marian ay hindi muna niya sinabi, kaya may nagtanong kung red din ba ang gown niya na color motif nila sa wedding.

“Makikita na po lamang ang wedding gown ko sa oras ng kasal namin ni Dong. Sa ngayon, pina-finalize pa namin ang ilang bagay. Naipamigay na namin ang wedding invitations at may card po doon na nagsasabing lahat ng wedding cash gifts namin ay idu-donate sa Yes! Pinoy Foundation, Inc, sa pangalan ng nagbigay,” masayang kuwento ng napakagandang bride-to-be.