Xian Lim

NEW YORK CITY -- Umuulan at medyo magulo nang dumating kami rito noong Miyerkules ng hapon dahil may protestang nagaganap sa grand jury decision sa Eric Garner case kaya hindi na kami nakapunta sa Giant Christmas Tree lighting sa Rockefeller.

Pero habang nagpapahinga kami ay sunud-sunod ang mensaheng natanggap namin mula sa aming sources sa Pilipinas na hindi namin matiis na hindi isulat dahil baka mapanisan kami.

Trulili kaya ang info nila na umatras na si Xian Lim sa TV project na Bridges?

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang si Xian ang pumalit kay John Lloyd Cruz na gusto munang magpahinga bukod sa hindi pa siya nagre-renew ng kontrata niya sa Star Magic at ABS-CBN.

Naging usap-usapan sa showbiz at lumabas sa blind items si Xian nitong mga nakaraang linggo bagamat itinanggi na niya ang tsikang inabot siya ng 34 takes sa isang eksena sa Bridges at pati nga raw si Edu Manzano ay kinausap na siya kung ano ang dapat gawin para madali silang makatapos sa taping.

In fairness ay very apologetic naman daw si Xian sa lahat at marahil ay napag-isip-isip niyang hindi niya kakayanin ang mabibigat na eksenang gagawin pa niya sa mga susunod kaya nagpasabi raw na umuurong na siya.

Oo nga naman, tailored-made kay Lloydie ang papel ni Xian kaya tiyak na mabigat ang character at lalong heavy drama ang project, e, hindi pa kaya ng huli ang mabibigat na eksena.

Kaya as of now ay naghahanap daw kung sino ang puwedeng ipalit kay Xian na mala-Lloydie ang acting.

May nagsabing si Jake Cuenca na lang daw, e, hindi naman pupuwede dahil kasali ito sa Passion de Amor.

Hindi rin puwede si JM de Guzman na may iba na ring assignment.

Hmmm, sino kaya ang ipapalit kay Xian sa Bridges? Sino ang type mo, Bossing DMB?

(Kung totoo ngang umatras na si Xian, bakit hindi na lang ibalik kay John Lloyd ang role? May report si Jimi Escala noong isa araw lang na magre-renew ng kontrata sa ABS-CBN si Lloydie. --DMB)