Dapat umanong magbitiw na lamang bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP) si Director General Alan Purisima matapos na patawan ito ng anim na buwang suspensiyon ng Office of the Ombudsman kaugnay pa rin sa mga nawawalang baril.

Ayon kay Senator Serge Osmeña, dapat nang magbitiw si Purisima na kasalukuyang nasa Saudi Arabia ngayon.

“He should retire or resign or whatever. He should remove himself from service already. You can call it falling on your sword on behalf of his boss, the President,” ani Osmena.

Si Purisima ay sinuspinnde matapos na madiskubre ang P100 Million anomalyang kontrata sa Werfast Documentary Agency.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinimok naman ni Senator Grace Poe si Pangulong Benigo Aquino III na magtalaga na agad ng isang kuwalipikadong kapalit ni Purisima para hindi maapektuhan ang operasyon ng PNP, lalo na ngayong naghahanda sa bagyong ‘Ruby’.

“I hope for an immediate and orderly transition of leadership within the PNP to preserve public order and assure the people’s security this holiday season. “I also hope his (Purisima) suspension will not adversely affect police work and our internal security situation as I call on the President to immediately appoint a capable leader to run the PNP during the suspension,” ayon kay Poe.

Nauna nang iminungkahi ni Poe kay Purisima na mag-leave of absence muna matapos naman ang imbestigasyon na ginawa sa diumano’y tagong yaman nito.

Umaasa naman si Osmeña na sana ay huwag kanlungin ni Pangulong Aquino si Purisima lalo pa at kilala itong malapit sa kanilang pamilya.

“You know the President is hard-headed. He stands by his friends, which is not good. In many instances, especially in government, standing by your friends is not a virtue, it’s a shortcoming,” ayon kay Osmeña.