NEW YORK (Reuters) – Nangako si US Attorney General Eric Holder noong Huwebes ng full investigation sa pananakal at pagkamatay ng isang hindi armadong itim na lalaki ng isang puting New York police officer sa pagpapatuloy ng mga protesta sa ikalawang gabi matapos magdesisyon ang grand jury na huwag siyang sampahan ng kasong kriminal.

Ang reaksiyon sa desisyon noong Miyerkules na huwag kasuhan si officer Daniel Pantaleo sa kanyang papel sa videotaped confrontation na ikinamatay ng 43-anyos na si Eric Garner ay katulad ng bugso ng mga naging protesta mahigit isang linggo na ang nakararaan sa pagkapatay ng isang hindi armadong itim na binatilyo ng isang puting pulis sa Missouri.

Aalamin sa departmental investigation kung gumamit si Pantaleo ng chokehold, ipinagbabawal ng New York Police Department, sa pagpigil kay Garner habang tinatangka niya at ng mga kasamahang pulis na arestuhin ito sa diumano’y ilegal na pagbebenta ng sigarilyo sa sidewalk ng Staten Island noong Hulyo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras