Sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2016, nais ni Pangulong Aquino na tawagin na lamang siyang “citizen Noynoy.”

Sa kanyang pagdalo sa Bulong Pulungan Christmas party sa isang hotel sa Pasay City, muling iginiit ng Pangulo na wala na siyang balak na muling tumakbo sa 2016.

Sa halip, nais na lamang niyang magpahinga ng isang taon, posibleng magsulat ng libro at makatulong bilang isang pribadong mamamayan.

“After 2016 I think the foremost on my mind, together with my Cabinet, is to take at least a year break and recharge and recover from all the tensions, turmoil, concerns over the past six years by that time,” pahayag ni Aquino.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“So I think I will try to look for a means to serve in another capacity rather than elective office,” dagdag ni Aquino.

Aniya, malaki ang kanyang utang na loob sa kanyang mga kapatid , pamilya at staff na naghahangad na rin na makapagpahinga o magbakasyon.

Ang mga sinundan ni PNoy na sina dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at Gloria Macapagal Arroyo ay kapwa tumakbo matapos ang kanilang panunungkulan sa Malacañang. Si Arroyo ay kasalukuyang kongresista ng Pampanga habang si Erap ay punongbayan ng Maynila.

Kapag nahalal na ang bagong pangulo sa 2016, sinabi ni Aquino na nais niyang muling manirahan sa kanilang lumang bahay sa Times Street, Quezon City at mamuhay bilang isang ordinaryong mamamayan.

“Going back to Times, staying in my own bed in my own house will be parang—and relishing in that point, and perhaps looking forward to the following day when I don’t have to wake up too early. I can laze around and get used to living in Times again,” pahayag ni Aquino. - Genalyn D. Kabiling