Hihilingin ni Pangulong Aquino kay Pope Francis na ipagdasal ang kaligtasan ng Pilipinas mula sa naglalakasang bagyo.

Ang pahayag ng Pangulong Aquino ay kanyang ibinulalas sa Pulong Bulungan Christmas party sa isang hotel sa Pasay City.

Magsasagawa ng apostolic at state visit si Pope Francis sa Enero 15-19, 2015.

“Partikular kong hihilingin kay Papa na ipagdasal niya na maalis ang Pilipinas sa rutang paboritong daanan ng mga bagyo,” ani Pangulong Aquino.

‘Oratio Imperata for Peace,’ inilabas na ng CBCP