Ipinagdiriwang ngayon ng Finland ang kanilang Pambansang Araw na gumugunita sa kanilang kasarinlan mula sa Russia noong 1917.

Ang Finland ang pangalawang pinakamalaking bansang Nordic at ang ikawalong pinakamalaking bansa sa Europe na may 5.5 milyong populasyon. Tuluy-tuloy ang pangunguna ng naturang bansa sa mga pagkukumparang internasyonal sa larangan ng national performance. Taglay nito ang isa sa pinakamahusay na educational systems sa Europe at isa sa pinakamahuhusay at mapayapang mga bansa na pamuhayan.

Taglay ng Finland at Pilipinas ang matagal nang tradisyon ng pagkakaibigan, pagpapahalaga at pag-uunawaan sa isa’t isa. Ito ang pinakamainam na pundasyon upang lalo pang patibayin at palawakin ang ugnayan ng dalawang bansa. Noong 1955 pa itinatag ng Finland at Pilipinas ang kanilang diplomatikong ugnayan. Noong 1980, nagbukas ng Embahada ang Finland sa Manila.

Nakita sa bilateral trade ang isang malinaw na pagpapalawak ng trend sa dekadang ito, kahit pa may mabibigat na pagbabagu-bago taun-taon dahil sa konsentrasyon ng kalakalan sa iilang malalaking kumpanya. Ang pangunahing export ng Finland sa Pilipinas ay ang telecommunications equipment, machines at appliances, at pulp and paper. Ang export naman ng Pilipinas sa Finland ay ang electrical appliances, coconut oil, mga tela, prutas ang produktong isda.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Finland sa pangunguna nina Pangulong Sauli Niinisto at Prime Minister Alexander Stubb, sa okasyon ng kanilang Pambansang araw.