Nilinaw ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na hindi sila pini-pressure ng Malacañang upang alisin sa itinerary ni Pope Francis ang pagbisita sa Tacloban City sa Leyte.

Ang paglilinaw ni Villegas ay kasunod ng ulat na ayaw umano ng Palasyo na bisitahin ng Papa ang Tacloban.

Sinasabing nais umano ng Malacañang na sa Cebu na lamang magtungo ang Papa.

“There was no such pressure,” pahayag ni Villegas.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Nakatakdang bumisita sa bansa si Pope Francis sa Enero 15 hanggang 19 sa susunod na taon.