Isang mag-asawang pauwi na mula sa trabaho ang hinoldap ng dalawang hindi nakilalang lalaki na kasakay nila sa jeepney sa Quezon City, ayon sa police report.

Kinilala ang mga biktimang sina Pablo Calagui, 33; at Jo-ann Calagui, 29, kapwa residente ng Barangay Del Monte, Quezon City.

Armado ng patalim ang dalawang suspek na nagpanggap na pasahero at sumakay sa Roosevelt Avenue sa Bgy. San Antonio, Quezon City dakong 7:00 ng gabi noong Miyerkules.

Tinutukan ng mga suspek ng patalim at sapilitang kinuha ang mga gadget, alahas at pera ng mag-asawa.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Natangay ng mga suspek ang isang tablet computer na nagkakahalaga ng P19,200, isang cellular phone, isang wristwatch, isang Samsung Note na nagkakahalaga ng P30,000, isang gintong singsing at P5,000 cash.

Sinabi naman ng driver ng jeepney na si Christopher Soriano na kapwa nakasuot ng asul na polo shirt ang mga suspek, na ang isa ay may taas na 5’4”, maiksing-maiksi ang buhok at nasa kalagitnaan ng edad 30. (Betheena Kae Unite)